Paano Kumita from "Sharing Photos"?
gusto mo malaman?
cge, tuturuan kita! ^_^
ganito un...
para kumita ka from "Sharing Photos" katulad ng earnings ko above..
kelangan ay 100% complete ka sa profile completeness
(punta ka sa Home, tingin ka upper right ng screen
para makita mo kung ilang percent complete kna)
or dapat ay isa kang Power User!
(i-click ang picture above para malaman kung paano maging Power User)
kung 100% complete kna or Power User,
pwede kna mag-umpisang kumita from "Sharing Photos"
punta ka lang sa Home, tingin sa upper left ng screen..
at hanapin ang Upload Photos sa bandang ilalim ng profile picture mo.
sundan mo lang ang mga susunod na instructions
sa pag-upload ng photos.
after mo ma-upload at ma-save ang mga pictures mo
ay magsisimula kna kumita.
paano?
sa oras na lumabas ang bagong upload mo na pictures
sa Home/News Feeds ng ibang FanBox members ay may kita kna agad agad!
katulad nito...
kung mapapansin nyo ay may nag-comment sa isa kong picture
at lumabas ulit sya sa Home feeds.
at dahil lumabas ulit sya sa Home feeds ay nakikita or navi-view
ulit ang picture ko ng ibang mga FanBox members.
at dahil nakita nila ang pictures ko sa home feeds nla
at sa home feeds ng mga fans & friends nila,
ako ay kumikita ng paulit-ulit.
sa bawat comment/like na ginagawa nila sa pictures ko,
mas marami ang members na makakakita/makaka-view
ng pictures ko sa home feeds.
Forever ba un?
Hinde! ang kita/earnings mo sa bawat picture na ina-upload mo
ay good for 24 hours lang, ang tawag dyan ay "Fresh Photos".
pagkalipas ng isang araw (24 hours) after mo ma-upload ang picture mo
ay hindi na sya considered as "Fresh Photos" kaya hindi na ito kikita
kahit gaano pa kadaming beses ito lumabas sa home feeds ng ibang members.
So wala ng silbe ang photos after ng 1 araw?
syempre meron pa din!
Paano?
syempre continous pa din ang mga members na nakaka-view
at nagla-like sa mga pictures mo..
at dahil dun ay lumalawak ang exposure mo.
Para saan ang exposure?
para dumami ang mga FanBox Fans mo!
Bakit kelangan ko ng madaming FanBox Fans?
para dumami ang makaka-view ng mga pictures mo
simula sa oras pa lang na ma-upload mo ito.
para mas malaki ang kita/earnings!
Eto naman ang mga dapat tandaan kapag nag-uupload ng pictures...
"your photos must NOT contain
✘ Nudity
✘ Copyrighted Images
✘ Offensive Material
if you violate these terms
your account will be permanently deleted!"
mababasa nyo po yan tuwing mag-uupload kayo
ng bagong picture, kaya wala kayong excuse na "hindi nyo alam".
maliwanag po hah? bawal ang nudity!
hindi po ito porn site!
hindi po gusto ng FanBox community na makita ang mga nude pictures na yan.
kung meron kayo makikita, pwede nyo i-click ang Report this photo.
isa pang bawal ay ang pag-post ng mga copyrighted images.
un ung mga pictures na may mga pangalan/watermarks ng mga may-ari.
eto ung mga sample ng images with watermarks.
hanggat maaari, iwasan nyo po ang mag-post ng pictures na hindi sa inyo.
Baket? dahil mas maliit po ang kikitain/earnings nyo sa pag-post
ng mga Low Value Photos, ito ung mga picture na hindi sa inyo
or ung mga pictures na kinopya nyo lang mula sa ibang website
or ung mga tinatawag na Googled images.
at hindi lang kita/earnings ang mababawas sa inyo kundi
pati na ang mga FanBox Fans & Friends nyo.
or pwede nyo din naman i-click ang "Hide" para ndi lumabas sa news feeds nyo
ung mga Low Value Images.
Saan makikita ang "Hide"?
sa bandang ilalim ng bawat pictures na makikita nyo sa home feeds nyo.
eto pa isang bawal sa "sharing photos"
✘ Tagging of Pictures
isa pa sa nakikita kong marami pa din ang gumagawa ay
ang pag-TAG ng ibang members sa kanilang pictures
kahit wala naman ang mga mukha ng mga tina-tag nila sa pictures.
bawal po yan hah, ndi porke't nakita nyo na may nagta-tag sa inyo
eh gagayahin nyo na din.
huwag po matigas ang ulo hah!
sumunod po tayo sa rules para kumita po tayo ng maayos..
Okay,so pwede ba ko mag-upload ng pictures sa FanBox gamit ang Cellphone?
pwedeng pwede! sa katunayan mas malaki ang earnings
kapag cellphone ang ginamit mong pang-upload ng mga pictures mo.
Ganun? Baket mas malaki ang earnings pag Cellphone ang ginamit pang upload?
yun ay dahil mas nakakasiguro ang FanBox na ang mga ina-upload mong pictures
galing sa cellphone mo ay "Fresh Photos".
So paano naman mag-upload ng pictures gamit ang Cellphone?
para makapag-upload ng pictures, kelangan mo muna install ang
FanBox App sa cellphone mo.
sa ngayon available na ang FanBox App para sa iOS 6.0 pataas,
para naman sa mga gumagamit ng Android na OS, wag kayo malungkot
dahil ginagawa na ng FanBox ang Android App.
at kasama nyo ko sa paghihintay! hahah!
so... ayan po..
baka hindi na po magkasya.. kaya hanggang dito na lang muna po..
kung meron po kayong mga tanong or part na hindi naintindihan,
mag-comment lang po below at gagawin ko po lahat para masagot
ang inyong katanungan.
pwede nyo din po basahin ang official post ng FanBox tungkol sa "Sharing Photos"
i-click nyo lang po ang mga post ni Johnny Cash below..
Maraming Salamat Po!